1530s, mula sa Fr. hibla,
mula sa L. fibra "fiber, filament"
hindi tiyak na pinagmulan,
marahil maykaugnayan
sa L. filum "thread"
o mula sa salitang ugat
ng findere "split"
ang hibla ay salitang naglalarawan sa isang manipis na bagay tulad ng sinulid at ginagamit upang maghabi ng isang bagay.
nahirapan ako hanapin ang kahulugan ng hibla. wari'y wala itong pakahulugan at masasabi lamang na ang hibla ay "hibla." o kung minsan pa, hindi alam ang ibig sabihin nito. masambit man ito at magamit sa ating pananalita, ang hibla ay payak na binibigkas na pawang isa lamang pangatnig na maihahantulad sa isang salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap.
ako'y nagitla sa salitang ito dahil sa miminsan ko lamang ito madinig. at miminsan ko lamang din ito gamitin. hibla, kung ihahambing sa ating buhay ay katulad ng tanikala. maaaring pagkabit-kabitin upang bumubuo ng isang pagkatao.
ika nga nila, ang tao ay binubuo ng mga hibla ng moralidad. kung wala nito, masasabing masama o imoral ang taong iyon. ngunit ano ba ang batayan ng moralidad? sabi sa sosyolohiya, ang mga katanggap tanggap na gawain at tama ay masasabing moral. tanggap. nino? ng pamayanan? ng ibang taong nakapaligid sa iyo. iyan ang batayan ng tama. sila. sa pamayanan, ang mga tao na kabilang dito ay pawang mga hibla. mga hibla na maaaring bumuo o sumira sa ating pagkatao. at ang ating moralidad ay nakabatay rito. at kung hihimay himayin natin ang bawat hibla ng ating pagkatao, makikita nating repleksyon lamang ito ng mga taong nakapaligid sa atin.
No comments:
Post a Comment