ano ang bisa ng isang kadena kung ikukumpara sa tanikala?
noong nakaraan, mayroon akong nalamang balita. ito ay tungkol sa tatlong katao na pawang pinagkabit kabit ng panahon. sa aking pagsasaliksik, nalaman ko na sila pala ay mayroong pinagdadaanang sa wari mo lamang ay isang karaniwang pangyayare.
uumpisahan ko ang istoryang ito sa unang tauhan na tatawagin kong "ey." si ey ay isang karaniwang tao kagaya mo, namumuhay ng payak at tinatahak ang buhay ng walang takot. nakilala ni ey si "rey," naging magkaibigan at madalas na nagbibiruan. ngunit, hindi natapos doon ang kwento. dumating si "grey" na parehong nakilala ng dalawang unang nabanggit.
pagkalipas ng ilang oras...
naging magkakaibigan sila at nabuo ang samahang walang katulad (parang tagline lang sa isang ad ng alak).
masaya, masalimuot at makabuluhan. iyan ang naging ikot ng buhay nila ey, rey, at grey.
hanggang sa dumating ang kinatatakutan nila. nakagawa ng isang bagay sina rey at grey na ikinasama ng loob ni ey. nasira ang tiwala, nawasak ang pagkakaibigan. si ey ay nawala sa sirkulasyon. at nagtuloy tuloy ang hidwaan sa pagitan ng tatlo. dumating ang oras na kinailangan nila wakasan ang kanilang nasimulan. iniwan ang pagkakaibigang nabuo at hinulma ng panahon. nagpatuloy sina rey at grey habang si ey ay nanatili sa kanyang pag-iisa. at sa mga sandaling ito, sila'y nalunod sa kani-kanilang hinuha na ang lahat ay pangmatagalan.
at nang dumating ang oras na nalaman nila ang katotohanang walang bagay sa mundong ito na tumatagal habambuhay, naramdaman nila ang lupit ng pagkakataon, ang pait ng karanasang dulot ng pagkabigo.
ang kadena, kapag napatid, nawawalan ng saysay.
ang kadena, kung napigtas, wala ng kabuluhan.
ang kadena, kung masira, maaring magdulot ng kapahamakan.